^

Probinsiya

State of calamity idineklara sa San Mateo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
State of calamity idineklara sa San Mateo
“Ang bayan po ng San Mateo ay under state of calamity po,” anunsiyo ni Vic Tomazar, incident commander sa municipal disaster office.
Non alquitan

Dahil sa hagupit ng Habagat

MANILA, Philippines — Inilagay na sa ilalim ng “state of cala­mity” ang bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal bunsod ng mga pinsalang tinamo ng bayan sa mga pag-ulan at pagbaha na dala ng habagat nitong Sabado at Linggo.

“Ang bayan po ng San Mateo ay under state of calamity po,” anunsiyo ni Vic Tomazar, incident commander sa municipal disaster office.

Ayon kay Tomazar, halos 80% ng bayan ay napinsala at 12 sa 15 barangay nito ang naapektuhan ng masamang panahon. Umaabot naman sa 27,493 indibidwal o 5,680 pamilya ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan. Hindi kasama sa nasabing bilang ng evacuees ang mga pamilyang nagsialis sa kanilang ta­hanan na hindi tumuloy sa evacuation centers  at sa halip ay nakitira na lamang sa kanilang mga kaanak.

Matatandaang Sa­bado nang magsimula ang malalakas na pag-uulan habang Linggo naman ng hatinggabi nang tumaas sa hanggang 23.14 metro ang antas ng tubig sa ilog sa bayan na lampas sa critical level na 20 metro.

vuukle comment

FLOOD

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with