Retiradong Army timbog sa rape

Si Bungag ay may warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Edgar Dalmacio Santos ng Quezon City RTC-Branch 222 sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines  —  Isang dating miyembro ng Philippine Army ang hindi na nakapalag matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa kasong panggagahasa sa bayan ng Naguillan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng Naguillan Police ang naarestong suspek na si Alfonso Bungag, 44, isang dating sundalo at residente ng Brgy. Centro, Enrile, Cagayan. Ayon kay Randy Tulinao, deputy chief of police ng Naguillan Police, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office matapos mamataan ang suspek na sumakay sa isang Florida Bus (AAK1952) patungo sa nasabing bayan kung kaya agad silang naglatag ng checkpoint na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Si Bungag ay may warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Edgar Dalmacio Santos ng Quezon City RTC-Branch 222 sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Show comments