^

Probinsiya

2 pulis bulagta sa NPA ambush!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 pulis bulagta sa NPA ambush!
Kinilala ang mga biktimang sina P03 Alexander Minbalawag at P01 Jofitry Gustaham na kapwa dead-on-the spot sa lugar.

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang napatay matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga hinihinalang mi­yembro ng New People’s Army (NPA) kahapon sa Taytay, Palawan.

Kinilala ang mga biktimang sina P03 Alexander Minbalawag at P01 Jofitry Gustaham na kapwa dead-on-the spot sa lugar.

Ayon kay Chief Supt. Emmanuel Licup, regional director ng Police Regional Office IV-B, nakatanggap ang Taytay Police ng tawag tungkol sa isang umano’y vehicular accident sa kalapit nilang lugar dakong alas-10 ng umaga. Gayunman, nang kanilang respondihan, luma­labas na isa palang ambush ang sinasabing aksidente.

Nabatid na tinamaan ng mga bala ng baril sina Minba­lawag at Gustaham na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung nakunan ng CCTV camera ang pana­nambang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with