^

Probinsiya

Parak na napatay sa drug ops ginawaran ng medalya

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Parak na napatay sa drug ops  ginawaran ng medalya
Bagama’t matindi ang bugso ng ulan, hindi napigilan si Albayalde, kasama si Chief Supt. Amador Corpus, Police Regional Director ng Central Luzon at ilan pang matataas na opisyal ng PNP, sa pagbisita sa burol ni PO1 Caparas nitong Huwebes ng hapon at nakahimlay sa naiwang pamilya nito sa Barangay Bago.

GENERAL TINIO, Nueva Ecija  , Philippines  —  Gina­wa­ran ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde ng Medalya ng Kadakilaan (Medal of Heroism) si PO1 Mariano Emma­nuel Caparas, matapos na magbuwis ng buhay sa isang drug buy-bust ope­ration noong Hulyo 16.

Bagama’t matindi ang bugso ng ulan, hindi napigilan si Albayalde, kasama si Chief Supt. Amador Corpus, Police Regional Director ng Central Luzon at ilan pang matataas na opisyal ng PNP, sa pagbisita sa burol ni PO1 Caparas nitong Huwebes ng hapon at nakahimlay sa naiwang pamilya nito sa Barangay Bago.

Ibinalita ni Albayalde sa mga media na ang nasawi ay hindi buyer ng droga kundi kasama sa naturang operation kaya nang mapansin ng suspek na mga alagad ng batas ang kanyang katransak­syon ay nagpaputok ng walang patumangga ang suspek na tumama sa biktima. Hindi nakasuot ng bullet proof si Caparas kaya nabaril at napatay ng suspek na si Albert Gutierrez, na napaslang din ng mga kasamahan ng una.

Samantala, sinabi ni Laika, misis ng nasawing pulis na kaya pala nag­lalambing ang kanyang asawa noong umagang iyon ay mawawala na pala siya. “Yakapin ko raw siya nang matagal, halos dalawang oras po ka­ming nakahigang magkayakap, ‘yon pala  ang huling yakap ko sa kanya,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Laika. 

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with