13 Abu Sayyaf sumuko

Dakong alas-9 kahapon ng umaga ng sumuko sa 2nd Special Forces Batallion ng Philippine Army ang mga miiyembro ng ASG. Boluntaryong sumuko ang mga terorista kay Lt.Col Jessie Montoya sa Brgy Samak, Talipao, Sulu.
WESTMINCOM, file

MANILA, Philippines — Labing tatlong miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) ang sumuko sa militar at nagsuko  ng matataas na kalibre ng kanilang mga baril sa Talipao,Sulu. Dakong alas-9 kahapon ng umaga ng sumuko sa  2nd Special Forces Batallion ng Philippine Army ang mga miiyembro ng ASG. Boluntaryong sumuko ang mga terorista kay Lt.Col Jessie Montoya sa Brgy Samak, Talipao, Sulu. Isinuko rin nila ang kanilang tatlong US M16 rifles, dalawang US  M1 garand rifles, 1 Cal .30 , tatlong kalibre 45 na baril. Kasalukuyang isinasailalim sa debriefing ng militar ang 13 miyembro ng ASG. Nangako sila na kanilang isusuko ang iba nilang mga armas sa mga susunod na araw.

Show comments