^

Probinsiya

Abogado, sekyu utas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Abogado, sekyu utas sa ambush
Sa ulat ni Sr. Supt.Lou Evangelista, director ng Rizal Provincial Police Office (PPO), kinilala ang mga nasawi na sina Atty. Joey Galit ng Cainta, Rizal at Jesus Mateo, guwardiya ng Apple 1 Subdivision sa nasabing lugar.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 62-anyos na abogado habang nadamay ang isa pang guwardya na nagtangkang sumaklolo matapos na tambangan at pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan ang nasabing target sa isang subdibisyon sa Brgy. San Juan, Cainta, Rizal kahapon ng umaga.

 Sa ulat ni Sr. Supt.Lou Evangelista, director ng Rizal Provincial Police Office (PPO), kinilala ang mga nasawi na sina Atty. Joey Galit ng Cainta, Rizal at Jesus Mateo, guwardiya ng Apple 1 Subdivision sa nasabing lugar.

 Base sa imbestigasyon, dakong alas-11 ng tanghali habang lulan si Galit ng kulay abong Subaru Wagon (ABH-6819) kasama ang misis nito nang biglang sumulpot ang apat na armadong kalalakihan.

Ayon sa opisyal,  kaaalis lamang ng kanilang tahanan ng mag-asawang Galit nang paulanan ng bala ng mga suspek ang kanilang behikulo pagsapit sa gate ng nasabing subdibisyon.

 Sa kabila nito, nagawang sumaklolo si Mateo na nagbabantay sa gate at tinangka pa nitong agawin ang armas ng isa sa mga suspek pero pinagbabaril din siya ng mga kasamahan nito.

 Agad namang isinugod sa Manila East Medical Center si Atty. Galit pero idineklarang dead-on-arrival habang ang guwardiya ay dinala sa Cainta Municipal Hospital pero nabigo na ring mai­salba ang buhay nito.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa nasabing subdibisyon.

 Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Police Regional Office (PRO)IV-A Director Edward Carranza ang pagbuo ng Special Investiga­ting Task Group (SITG) upang imbestigahan at resolbahin ang kaso ng pamamaslang sa nasabing lawyer na ikinadamay ng guwardya sa lalong madaling panahon.

Pinaniniwalaan na ang mga sensitibong kasong hinahawakan ng abogadong biktima ang motibo sa krimen.

vuukle comment

AMBUSH

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with