^

Probinsiya

Ex-sexy actress, live-in partner tiklo sa droga!

Joy Cantos, Raymund Catindig, Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Ex-sexy actress, live-in partner tiklo sa droga!
Bridgette de Joya at Marciano Camacam

MANILA, Philippines — Isang dating sexy actress at live-in partner nito ang nasakote ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng illegal na droga sa isinagawang operas­yon sa San Fernando City, Pampanga nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang nasakoteng dating sexy actress na si Bridgette de Joya o Michelle Comstock sa tunay na buhay na gumagamit rin ng alyas na Tisay, tubong Olongapo City at ang live-in partner nito na si Marciano Camacam alyas Bong Guevarra, 42-anyos, tubong Ilagan City, Isabela.

Sa ulat ni Chief Supt. Amador Corpus, Director ng Police Regional Office (PRO) 3, dakong alas-4:10 ng hapon nang madakip ng pinagsanib na mga elemento ng Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit  ng San Fernando City Police at Special Weapons and Tactics (SWAT) team base sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang mga suspek sa kanilang tinitirhan sa Block 2, Lot 17, Northville, Calulut Resettlement, San Fernando City.

Nakumpiska sa dalawa ang walong plastic sachet ng shabu, limang improvised tooter, isang bundle ng plastic sachet at dalawang bote ng softdrinks na naglalaman ng likidong droga.

Nahaharap ang dating sexy actress at live-in partner nito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Si Comstock ay lu­mabas sa mga maiinit na sexy film noong 2000 at 2001 kabilang ang mga pelikulang “Gigil” at “Kang Kong”.?Hu­ling nabalitaan si Comstock na humiwalay sa asawang aktor na si Miguel Moreno na inakusahan niya ng panggugulpi noong 2013.  

vuukle comment

BRIDGETTE DE JOYA

ILLEGAL NA DROGA

MICHELLE COMSTOCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with