TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng isang 27-anyos na misis at kanyang lover matapos silang mahuli sa aktong nagtatalik sa kanilang pugad sa Brgy. Caritan Centro ng lungsod na ito, kamakalawa. Sa report na nakarating kay Supt. George Cablarda, hepe ng PNP Tuguegarao City, hindi nag-atubiling magtawag ng mga alagad ng batas ang pinendehong si Joseph Balubal, 30 na tagabayan ng Piat upang mahuli sa akto ang misis na si Madylonne at lover nito na si Jed Escandor, 27, na kapwa hubo’t hubad at kinakapos pa ng hininga dahil sa mainit nilang pagtatalik nang madatnan dakong alas 1:30 ng madaling araw.
Kasong Adultery ang isinampa ng mga otoridad laban sa kanila.