^

Probinsiya

Cavaliers fan patay sa saksak ng pinsan na Warriors fan

Pilipino Star Ngayon
Cavaliers fan patay sa saksak ng pinsan na Warriors fan

MANILA, Philippines – Nauwi sa krimen ang simpleng asaran tungkol sa basketball, matapos mapatay ang isang lalaki ng kaniyang pinsan dahil sa resulta ng Game 3 ng NBA Finals.

Patay ang biktimang si Henry Macapali nang saksakin ng kaniyang pinsan na si Marvic Macotocruz sa Zamboanga City.

Nag-ugat ang lahat matapos bugbugin ni Macapili si Macotocruz nang matalo ang Cleveland Cavaliers sa defending champion Golden State Warriors.

Dahil sa galit ay gumanti si Macotocruz at pinagsasasaksak si Macapili sa dibdib hanggang mapatay. Sugatan naman ang isa pa na nakilalang si Renevie Rose Macapili na umawat lamang.

Sinabi ni Police Station 7 chief Superintendent Mark Azur na nangyari ang krimen sa isang inuman sa sa Barangay San Roque at pawang mga nakainom ang sangkot sa krimen.

Nakakulong na ngayon si Macotocruz na labis na pinagsisisihan ang pangyayari.

Nakuha ng Warriors ang ikatlong panalo upang mapalapit muli sa kampeonato.

 

vuukle comment

NBA FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with