Ex-principal dedo sa ambush
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 7, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Bumulagta ang dating punong guro ng Kabuntalan Elementary School sa Maguindanao habang sugatan naman ang misis nito matapos na tambangan at pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang mga gunmen sa harap ng Alnor Mall sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Nakilala ang dead-on-the-spot na si Ferdausi Abdullah, 59-anyos, at ang sugatang maybahay nitong si Vivian Uko, 44-anyos.

Nagtamo ng limang bala sa ulo si Ferdausi habang mga tama sa katawan naman ang natamo ni Vivian na agad naisugod sa ospital.

Sa inisyal na ulat, pasado alas-8:00 ng gabi nitong Martes habang patungo sa Cotabato Regional Medical Center ang mag-asawa para bisitahin sana ang kanilang naka-confine na kaanak nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki.

Basag ang salamin ng sasakyan ng mag-asawa na isang puting Mitsubishi lancer na may plate # LCY 959 dahil sa mga tama ng bala.

AMBUSH KABUNTALAN ELEMENTARY SCHOOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with