Kasapi ng Pentagon KFRG huli
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2018 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY , Philippines  —   Isang miyembro ng kilabot na Pentagon kidnap-for-ransom group (KFRG) na tumakas sa kulungan sa General Santos City ang natimbog ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Jardi Mont Sibal ang nadakip na pugante na si Danny Andrada, ng Centrala, Surallah.

Si Andrada ay tumakas sa kulungan sa Gensan noong 1999 kasama ang lider ng Pentagon KFRG na si Tahir Alonto.

Nabatid na pinasok ng mga otoridad ang tahanan ni Andrada dakong alas-3:00 ng umaga bitbit ang search warrant na inilabas ng korte dahil sa nakabinbing kasong paglabag sa R.A. 9165.

Sa operasyon, narekober ng pulisya ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may market value na P22,000.

KIDNAP-FOR-RANSOM GROUP PENTAGON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with