^

Probinsiya

Awol na parak, 1 pa todas sa drug raid

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Bumulagta ang isang Absent Without Official Leave o AWOL na pulis at isa pang drug suspect makaraang umano’y manlaban sa mga otoridad sa anti-illegal drug operation sa Sto. Niño, South Cotabato kamakalawa. Kinilala ang pulis na nasawi na si Edgar Porras, 48, ng Purok Lapu Lapu, Poblacion at isang Henry Vera.

Aminado ang misis ni Porras na tumigil na sa paggamit ng ilegal na droga ang kanyang mister pero iginiit nito na mali ang ginawang biglaang pagpasok ng mga pulis sa kanilang bahay dakong alas-3:00 ng madaling araw habang sila ay mahimbing na natutulog. Pinalabas umano siya habang naiwan sa loob ng kanilang bahay ang mister.

Ilang sandali, nakarinig na lamang sila ng putok ng baril. Nakuha ng mga pulis sa bahay ni Porras ang isang .38 revolver. Napatay din sa anti-illegal operation ng mga pulis sa lugar si Vera. Maliban sa bahay ni Porras, pinasok din ng mga pulis ang iba pang bahay sa Poblacion Sto. Niño bitbit ang 32 na search warrant mula sa korte.

vuukle comment

ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with