Trike sinuwag ng dyip: 3 patay!

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi  habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang aksidenteng suwagin ng isang humahagibis na pampasaherong  jeepney ang isang tricycle sa national highway ng Brgy. Lawin, Lumban, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Francisco Lacbay, Glicerio Legazpi at Danny Anonuevo ha­bang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatan na si Roberto Pandakila.

Sa report, sinabi ni Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, dakong alas-6:10 ng gabi habang lulan ang mga biktima ng Sinski tricycle patungo sa Kalayaan, Laguna nang mangyari ang aksidente.

Nag-overtake umano ang tricycle na minamaneho ni Joselito Monreal sa Mitsubishi Adventure (XBB-310) na minamaneho ni Jesus Nuyda pero sa kamalasan ay na-suwag ito ng pulang pampasaherong Izusu jeepney (DJB-651) na minamaneho naman ni Joselito Monreal.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng matinding sugat ang mga biktima na bagama’t nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigo nang maisalba pa ang kanilang buhay.

Show comments