Nanalong tserman utas sa ambush
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang nanalong barangay chairman makaraang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem sa bayan ng San Jose, Batangas nitong Lunes ng umaga.

 Kinilala ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, director ng Calabarzon Police ang nasawi na si Demetrio Deomampo, 51-anyos, bagong halal na chairman ng Brgy. Buso-Buso sa Laurel, Batangas dahil sa tadtad ng bala sa katawan.

 Sa ulat,  bandang alas-8:25 ng umaga sa Brgy. Pinagtulung-ulan, San Jose ng lalawigan habang lulan ang biktima ng kanyang Isuzu Hilander (VAB-761) patungo sa national highway nang pagbabarilin ng magkaangkas sa motorsiklo na suspek.

Dinikitan umano ng mga suspek ang sasakyan ng biktima at saka niratrat.

 Ayon sa opisyal, lahat ng anggulo ay sinisilip sa kasong ito kabilang ang pulitika na posibleng motibo sa krimen.  

BARANGAY CHAIRMAN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with