^

Probinsiya

Prov. director, hepe sibak sa ex-solon slay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinibak ng Philippine National Police (PNP) ang provincial director ng La Union at Chief of Police ng bayan ng Agoo sa kanilang mga puwesto.

Sina La Union Provincial Police Office head Senior Supt. Genaro Sapiera at Police Chief Insp. Alfredo Padilla Jr, hepe ng Agoo Police ay sinibak sa kanilang puwesto noong Sabado.

Ang pagsibak umano sa dalawa ay bilang pagbibigay daan sa mga bagong itatalagang mga opisyal na hahawak sa imbestigasyon ng pagpaslang kay dating La Union Rep. Eufranio Eriguel.

Kinumpirma naman ni Chief Supt. Romeo Sapi­tula, PNP regional director na ang hakbang para alisin sa puwesto sina Sapiera at Padilla ay mula sa kautusan ng PNP headquarters.

Sina Sapiera at Padilla ay naunang itinalaga bilang pinuno ng Special Investigation Task Group para mag imbestiga sa pagpatay kay Eriguel.

Si Eriguel ay napatay sa isang pagtitipon noong May 12 ng mga tatakbong barangay at Sangguniang kabataan elections. Matapos ang ilang araw, naaresto ang suspek sa pagpatay na si Felilzardo Villanueva na umanoy kandidato rin sa pagka-barangay chairman sa Capas, La Union.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with