Motor salpok sa puno: Magsasaka dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Basag ang bungo ng isang 29-anyos na magsasaka matapos salpukin ng kanyang minamanehong motorsiklo ang isang puno ng niyog sa highway ng Brgy. San Jose, Gonzaga, Cagayan kamakalawa ng gabi. ?

Sa report ni case investigator SPO3 Froilan Farinas, pauwi sa kanyang lugar sa Brgy. Casambalangan, Sta. Ana si Edgar Realgo nang hindi nito nakalkula ang palikong kalsada kaya nito sinalpok ang puno dakong alas-10:30 ng gabi.

?Nabatid na walang suot na helmet ang biktima kung kaya’t hindi nito inabot nang buhay ang Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital kung saan siya isinugod.?Para namang niyuping lata ng sardinas ang motorsiklo ni Realgo matapos ang insidente.

Show comments