Grade 12 nilamon ng ilog

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Isang Grade 12 na mag-aaral ang nasawi matapos malunod habang naliligo kasama ang mga kaibigan sa ilog ng Solana, Cagayan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Solana Police ang biktima na si Jay-Ar Pancefane, 18, Grade 12 at ng Brgy. Natappian West, Solana, Cagayan. Dakong alas-2:00 ng hapon nang magtungo sa Cagayan River sa nasabing lugar ang biktima kasama ang mga kaibigan na sina Jay-ar Felix, Christopher Castillo at Emidio Felix para magswimming.

Habang naliligo, napansin na lamang umano ng mga kaibigan ng biktima ang biglaang pagkawala nito sa tubig kung kaya’t agad na nagpasaklolo sa mga kamag-anak at iba pang mga residente kabilang na ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection. Agad namang narekober ang katawan ng biktima subalit idineklara siyang dead-on-arrival sa pagamutan.

Show comments