67-anyos lola pisak sa bus

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nadurog ang katawan ng isang 67-anyos na lola matapos mabangga at magulungan pa ng bus sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bombon, Tabaco City, Albay noong Biyernes ng umaga.

Sinubukan pang isugod sa Ziga Memorial District Hospital pero dineklarang patay ang biktimang si Rosa Isidra Bronola, ng Brgy. Bognabong. Sumuko naman ang driver ng bus na si Michael Baraquiel, 28 anyos, ng Brgy. San Roque, Malilipot matapos ang insidente.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga habang paliko ang J. Binas Bus na minamaneho ni Baraquiel mula sa Cormidal Street patungong Ziga Avenue nang mabangga nito ang papatawid na matanda.

Posibleng hindi umano napansin ng driver na nahagip nito ang matanda kaya nang matumba sa kalsada ay pumailalim pa ang katawan nito sa bus at nagulungan.

Show comments