2 wagi na kapitan dawit sa vote buying

Ayon kay Rabanes at Pasion, nangakong dadagdagan ni Alvarez ang iniabot niyang pera sa kanila kapag nanalo ito sa halalan.
Boy Santos

TUGUEGARAO CITY  , Philippines  —  Nahaharap ngayon sa imbestigasyon ng Commission on Election ang dalawang re-electionist na chairman sa Cagayan sa kasong vote buying sa Brgy. Sta. Cruz, Gonzaga at Dodan, Aparri, Cagayan noong nakaraang halalang pambarangay. Kinilala ni Region 2 Police Director Chief Supt. Mario Espino ang mga iniimbestigahan na sina Chairman Arturo Alvarez ng Gonzaga at Nemesio Furugganan na taga Dodan, Aparri. Sa report na ipinalabas ni Espino, tinawag ni Alvarez sa kanyang bahay sina Basilio Rabanes, 62, at  Jonathan Pasion, 33, saka inabutan ng tig-P500 kalakip ng sample ballot nito para sa kapitan at kanyang line-up sa Sangguniang Pambarangay.

Ayon kay Rabanes at Pasion, nangakong dadagdagan ni Alvarez ang iniabot niyang pera sa kanila kapag nanalo ito sa halalan. Sa bayan ng Aparri, inakusahan ng kandidatong Chairman na si Vincent Balao, 25, ang nakaupong si Furugganan ng pagpapamudmod ng sample ballot na may nakaipit na P300 noong umaga ng May 14.

Show comments