Sundalo todas, isa pa kritikal sa NPA encounter

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Isang army corporal ang nasawi habang isa pang sundalo ang kritikal ang kalagayan nang tamaan sa kanilang sagupaan laban sa mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Matatang, Brgy Masi, Rizal, Cagayan noong Martes.

Sa report mula sa 17th Army Battalion, mahigit 25 armado ang nakasagupa ng mga tropa sa ilalim ni 1Lt. Ryan Bartolome dakong alas 7:45 ng umaga na agad ikinasawi ni Cpl. Macdonald Domingo.

Inilipad naman ng isang helicopter sa isang hospital sa lungsod na ito si Pfc. Feliciano Tattao Jr.

Inaalam ng militar kung mayroong nalagas sa panig ng kaaway na nagsipag-atrasan sa kabundukan.

Show comments