Mister nilamon ng ilog

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  — Isang mister ang nasawi matapos malunod habang naliligo sa isang ilog sa bayan ng Peñablanca, Cagayan, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng Peñablanca PNP ang nasawing biktima na si Reymund Pablo, 21, residente ng Barangay Gosi Sur, Tuguegarao City. Lumalabas na dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa habang naliligo ang biktima kasama ang ibang mga kaibigan sa gilid ng Pinacanawan River sa Tawi Bridge ng Barangay Callao, nang tangayin siya ng malakas na agos ng ilog na naging dahilan ng kanyang pagkalunod. 

Naisugod pa ito ng mga kaibigan na nag-rescue sa biktima subalit dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa nang bawian din ito ng buhay sa Cagayan Valley Medical Center sa lungsod ng Tuguegarao.

Show comments