^

Probinsiya

SUV vs trak: 1 tigok, 2 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng isang ginang habang sugatan naman ang dalawa niyang kasama matapos salpukin ng isang trak ang sinasakyan nilang Sports Utility Vehicle (SUV) naganap sa Barangay Panacan, Davao City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawing ginang na si Maricel Trabasas, nasa hustong gulang habang ang mga nasugatan niyang kasama sa sasakyan ay sina Edber Ian Bahanjadia-non at Jerelyn Duraydo.

Ayon kay Bahanjadia-non na siyang nagmamaneho ng SUV, pauwi na sana sila sa Pagadian City, Zamboanga del Sur mula sa Bayugan City, Agusan del Norte nang maganap ang aksidente. Sumalpok aniya sa kanilang SUV ang isang trak sa Barangay Panacan.

Ayon naman sa driver ng trak na si Norwin Pacultad, malayo pa lang ay napansin niya na na wala sa linya ang SUV.  Aniya, sinubukan niyang iwasan ito pero nabangga niya pa rin ito.

Nawasak ang harapan ng SUV habang nayupi naman ang kaliwang bahagi ng trak. Nasa kustodiya ngayon ng mga otoridad si Pacultad. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

DAVAO ROAD ACCIDENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with