Rider salpok sa trike, dedo

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nalagutan ng hi­ninga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 30-anyos na magsasaka makaraang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa kasalubong na traysikel sa Barangay Mabnang, Claveria, Cagayan noong Lunes.

Sa report na nakarating kay Sr. Insp. Stanley Banan, hepe ng Claveria PNP; sinasabing nakainom si Rommel Velasco nang pasukin nito ang one way lane ng kinukumpuning highway at sinalpok ang kasalubong na traysikel na minamaneho ni Alvin Pagdilao, 23-anyos, dakong alas 7:30 ng gabi. 

Mabilis namang naisugod ang dalawang drayber sa pagamutan ngunit sinawing-palad si Velasco na nalagutan ng hininga habang ginagamot.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with