Jeepney driver timbog sa buy-bust
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 12:00am

Legazpi City, Albay  , Philippines  — Kalaboso ang isang jeepney driver na suma-sideline bilang tulak ng droga matapos matiklo sa inilatag na buy-bust operation habang namamasada sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok 1,Brgy. Kimantong sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng hatinggabi. Hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga operatiba ng PDEA at pulis ang suspek na kinilalang si Joel Mirabuna, 54, residente ng Brgy. Putiao sa bayan ng Pilar, Sorsogon.

Sa ulat ni Senior Inspector Emmanuel Ramos, tagapagsalita ng Albay Police, dakong alas-11:30 ng maghahatingabi nang isa­gawa ng mga operatiba ang buy-bust laban sa suspek sa mismong minamaneho nitong pampasaherong jeepney (EVN-510).  Matapos i-abot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer ay agad itong inaresto ng mga operatiba. Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng shabu at buy bust money. Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

BUY-BUST OPERATION SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with