^

Probinsiya

Kapitana, mister, nilooban pinatay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang kapitana ng barangay at kanyang mister sa loob mismo ng kanilang bahay nang pasukin at walang patumanggang pagbabarilin ng mga armadong magnanakaw sa Brgy. Dayhagan sa bayan ng Aroroy, Masbate kamaka­lawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang biktimang si Brgy. Capt. Shiela Drio, 47-anyos at asawang si Regalado Drio, 48-anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-9:30 ng gabi, habang nagpapahinga ang mag-asawa nang tumawag ang limang ‘di nakilalang lalaki na may ilalapit umano na transaksyon sa kapitana.  Gayunman, nang papasukin ng mga biktima biglang tinutukan ng baril ang mag-asawa at saka hinalughog ang kanilang bahay.  Nang makuha ang nasa P.2-mil­yon cash sa kuwarto ng mga biktima ay sabay na pinagbabaril ang mag-asawa at saka tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon.

Nakuha sa lugar nang pamamaril ang 22-na basyo ng bala ng Kalibre 45 pistola.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with