^

Probinsiya

Senglot lunod sa irigasyon

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Nalasog na ang katawan, nalunod pa ang isang lasing na lalaki matapos mahulog sa tulay na kawayan habang tumatawid sa irrigation canal habang pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Gaboa sa bayan  ng Irosin, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Wala ng buhay nang matagpuan sa ilog na may layong 30-metro mula sa kinahulugang kanal ang biktimang si Rodolfo Pocamas Gabani, residente ng nasabing barangay. 

Sa police report na nakara­ting sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-10:00 ng gabi, sumusuray na pauwi si Gabani kasama ang kaibigang si Leo Estilon mula sa pakikipag-inuman. 

Gayunman, habang patawid sila sa kahoy na tulay ay nadulas dahil sa malakas na ulan ang biktima dahilan para nahulog sa malalim na irrigation canal at tumama ang katawan sa batuhang bahagi at tuluyang inanod nang malakas na agos ng tubig. 

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis para malaman kung nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with