^

Probinsiya

2 utas sa anti-drug ops

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang hinihinalang notoryus na drug personality makaraang manlaban sa  inilatag na anti-drug operation sa magkahiwalay na bayan sa North Cotabato, kahapon ng madaling araw at nitong Huwebes.

Kinilala ang unang nasawi na si Primitivo Carorocan Gaspar alyas “Tibo”, nasa hustong gulang at residente ng Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay PCI Rolly Oranza, hepe ng Mlang PNP, bitbit ang search warrant, pinasok ng mga ele­mento ng pulisya ang tinituluyan nito sa Java Subd., Magsaysay Avenue, Mlang, North Cotabato alas-4:00 ng madaling araw kahapon.

Natunugan umano ng suspek ang paparating na mga raiding team kaya nagpaputok ito, dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa mapatay ito.

Isinugod pa ang suspek sa bahay pagamutan pero di na ito umabot nang buhay.

Narekober sa bahay ng suspek ang apat na sachet ng shabu, isang kalibre .45 na pistola, mga bala at ilang illegal paraphernalia.

Samantala, patay din si Poloy Pagilidan, nasa hustong gulang, nang manlaban sa mga operatiba ng pulisya nang isilbi ang search warrant sa bahay nito sa Brgy. Dalingaeon sa bayan ng Pikit, alas-2:00 ng madaling araw nitong Huwebes.

Narekober sa bahay nito ang 13 piraso ng transpa­rent plastic sachet na nag­lalaman ng shabu, isang unit ng kaliber 38 revolver at mga bala ng caliber 5.56.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with