^

Probinsiya

Tserman bulagta sa tandem

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang kapitan ng barangay matapos siyang pagbabarilin ng isang riding-in-tandem sa tapat mismo ng kanyang tahanan sa Brgy. Lapinig sa bayan ng Gubat, Sorsogon, kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan makaraang mapuruhan sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktimang si Romeo Gavino, nasa hustong gulang at incumbent chairman ng naturang barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-11:10 ng umaga, habang nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay si Gavino nang biglang duma­ting ang ‘di nakilalang armadong mga lalaki na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo at biglang bumunot ng baril sa kanyang harapan. Bago pa nakatakbo ang biktima ay walang patumanggang pinaputukan siya nang sunud-sunod sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa naturang pamamaslang. Joy Cantos

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with