^

Probinsiya

Tirador ng motor, todas sa parak

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN  , Philippines  — Nasawi ang isang lalaking hinihinalang notoryus na “motornapper” matapos na kumasa ito sa pulisya sa naganap na running gunbattle sa Brgy.Pulong Buhangin sa bayan ng Santa Maria Huwebes ng madaling araw.

Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkakaki­lanlan ng nasawing suspek. 

Sa ulat ni P/Supt. Carl Omar Fiel dakong alas 12:45 ng madaling araw habang nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan sa Brgy. Caypombo nang maispatan ang isang motorsiklo na una ng kinarnap ng suspek at nagtutugma sa ibinigay na pagkaka­kilanlan ng babaeng may-ari nito.

Nang sisitahin ang susopek, dito na biglang tumakas sanhi ng habulan hanggang sa makorner sa isang lugar sa Brgy. Pulong Buhangin. Nagawa pang makabunot ng baril ang suspek saka pinaputukan ang mga operatiba na naging dahilan upang sila ay gumanti ng putok na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober ng rumespondeng mga kagawad ng SOCO ang isang .45 kalibre, mga bala, motorsiklong tinangay ng suspek na positibong kinilala ng may-ari, 10 sachet ng shabu at drug paraphernalias na pinaniniwalaang ibinebenta sa naturang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with