19 patay sa Mindoro bus crash

Nahulog sa bangin sa Occidental Mindoro ang isang bus ng Dimple Star Transport.
Lenonn Tañeca Daracay

MANILA, Philippines — Isang pampasaherong bus ang nahulog Martes ng gabi sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Umabot sa 19 na katao ang nasawi kabilang ang driver ng Dimple Star Transport bus.

Sugatan naman ang hindi bababa sa 20 katao na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Ayon sa mga ulat, nawalan ng kontrol ang bus na tumama muna sa side railing ng kalsada bago nahulog sa bangin.

 

Show comments