^

Probinsiya

Bahay nasunog: Mag-utol dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  — Patay ang magkapatid habang sugatan naman ang kanilang ama makaraang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Bacong sa Ligao City, Albay kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang magkapatid na si Rochelle Lovendino, 23; at Rhea Lovendino, 13, habang ginagamot sa ospital ang kanilang tatay na si Benjamin Lovendino dahil sa tinamong sugat.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nagluluto umano sa kusina ang isa sa mga biktima nang biglang suma­bog ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG).

Mabilis na kumalat ang apoy at nasunog ang kanilang bahay kung saan nakulong ang magkapatid habang sugatang nakaligtas ang kanilang ama.

Natagpuan ang bangkay ng magkapatid sa loob ng palikuran na posibleng pinagtaguan ng dalawa makaraang hindi sila agad nakalabas sa nasusunog na bahay.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with