^

Probinsiya

Granada nilaro, 3 mag-uutol kritikal

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong mga menor-de-edad na magkakapatid ang malubhang nasugatan matapos na sumabog ang isang granada na kanilang pinaglaruan kamakalawa sa Tipo-Tipo , Basilan.

Sa impormasyon na nakarating sa Kampo Crame, nagsumbong sa Tipo Tipo Municipal Police Station ang kagawad ng Brgy Baguindan matapos madiskubre ang pagsabog sa Brgy Baguindan. Kabilang umano sa nasugatan ang mga biktimang sina Raisa Rahim, 6 anyos na malubhang nasugatan, Almudir Rahim, 5; at Alwaris Rahim, 3; pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa bukid ang mga biktima kasama ang kanilang ina sa naturang barangay noong Sabado ng umaga nang matagpuan nila ang isang M203 grenade launcher.

Kaagad umano itong itinabi ng ina ng mga bata sa puno ng saging, subalit dinampot ito ni Raisa at pinaglaruan kasama ang dalawang kapatid at biglang sumabog.

Ayon kay Supt. Graciano Mijares, regional director ng ARMM, sina Almudir at Alwaris ay nagtamo ng mga sugat sa kanilang mga leeg at katawan habang si Raisa ay matinding sugat sa leeg at buong katawan.

Patuloy na ginagamot sa Infante Hospital sa Isabel City Basilan ang mga magkakapatid na biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with