^

Probinsiya

28-anyos utas sa airgun ng binatilyo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MACALELON, Quezon , Philippines  — Hindi na naisalba ng mga manggagamot ang buhay ng isang mangingisda matapos na masapol ng bala ng airgun ng 16-anyos na binatilyo na aksidenteng pagputok habang sila ay namamaril ng ibon sa isang dalampasigan sa Pinagbayanan, ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arjay Batari, 28, may live-in partner na nasawi sa insidente bunga ng isang tama ng bala sa noo.

Nasa kustodiya naman ng Municipal DSWD ang 16-anyos na may-ari ng baril na si alyas Ven.

Base sa ulat ng pulisya, nagtungo sa dalampasigan ang biktima at ang menor-de-edad upang mamaril ng ibon dakong ala-3:00 ng hapon.

Napansin umano ng da­lawa na nagkalat ang mga sigay sa buhanginan kung kaya’t nagpasya silang mamulot muna. Gayunman, nang ibaba ng binatilyo ang airgun ay aksidente itong pumutok at nasapol ng bala sa noo ang biktima.

Naisugod pa sa Bondoc Peninsula District Hospital sa Catanauan, Quezon ang biktima subalit nalagutan din ng hininga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with