^

Probinsiya

Zambo airport, isasailalim sa rehabilitasyon ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang isailalim ng Department of Transportation (DOTr) sa rehabilitasyon ang Zamboanga International Airport (ZIA).

Ito ay matapos na madismaya si  DOTr Sec. Arthur Tugade nang makita nito ang kondisyon ng naturang paliparan matapos siyang bumisita sa lugar.

Nagtungo sa Zamboanga kamakailan at nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Tugade, kasama si Aviation Undersecretary Skee Tamayo at iba pang opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at personal na nakita ang hindi magandang kondisyon ng paliparan.

Napansin ni Tugade ang napakaliit na baggage carousel ng paliparan, gayundin ang kakulangan ng mga upuan at passenger seat sa boarding areas. Nadiskubre rin niya na lubak ang  runway na lubhang mapanganib sa mga eroplanong lumalapag sa paliparan.

Para agad masolusyonan ang problema, ipinag-utos ng kalihim ang rehabilitasyon sa paliparan kabilang ang pagbili ng mga bagong upuan at bagong baggage carousel.

Pinagsabihan din ng kalihim ang mga opisyal sa paliparan na mananagot kapag bumalik siya at hindi pa rin maayos ang sitwasyon doon.

vuukle comment

PSN32ANNIV2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with