^

Probinsiya

Baron Geisler nag-amok, arestado!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang kontrobersyal na actor na si Baron Geisler makaraan siyang mag-amok at nagbanta pang papatayin ang kanyang bayaw sa naganap na insidente sa Brgy. Pulung Maragul, Angeles City, Pampanga nitong Lunes ng hapon.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Amador Corpus, ang aktor na si Baron Frederick Von Geisler ay inireklamo ng kanyang bayaw na si Michael Robin Stone Morales, nasa hustong gulang at isang negosyante.

Base sa inisyal na imbestigasyon, si Geisler ay bigla na lamang nagwala sa harapan ng tahanan ng kanyang bayaw sa natu­rang lugar noong Lunes ng hapon. Binantaan pa umano nito si Morales habang may hawak siyang patalim na kanyang papatayin.

Dito, nagresponde ang mga elemento ng Angeles City Police Station 3 at inaresto si Geisler.

Ayon kay Corpus, si Geisler ay nahaharap sa kasong grave threats, alarms and scandal at paglabag sa Batas Pambansa  No. 6 (illegal possession of deadly weapon) na kasalukuyang nasa kustodya ng Angeles City Police Station 3.

Magugunita na si Geisler ay ilang beses nang nasangkot sa kontrobersya kabilang ang ilang insidente ng sexual harassment na isinampa laban dito ng dalawang kila­lang aktres bukod pa sa mga insidente ng pagkakasangkot nito sa kaguluhan sa bar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with