^

Probinsiya

Misis ni Marwan, 4 pa arestado

Rhoderick ­Beñez, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Misis ni Marwan, 4 pa arestado

Ang larawan ng nasakoteng si Juromee Dongon na asawa ng napatay na Malaysian bombmaker na si Zulkifli Bin Hir alyas ‘Marwan’, at dati ring asawa ni Abu Sayyaf kidnap-for-ransom group leader Khadaffy Janjalani. Photo courtesy of PNP-CIDG/Camcer Ordonez Imam

MANILA, Philippines — Inaresto ng Philippine National Police (PNP) Region 10 ang asawa ng napatay na Malaysian bombmaker na si Zulkifli Bin Hir alyas ‘Marwan’, kanyang ama, mga kapatid at iba pa sa Tubod, Lanao del Norte kahapon ng umaga.

Kinilala ni Regional Director 10 Chief Supt. Timoteo Gascon Pacleb ang naaresto na si Juromee Dongon, na dati ring asawa ni Abu Sayyaf kidnap-for-ransom group leader Khadaffy Janjalani, SPO4 Andy Atta, at Lotelie Atta  na kapatid ni Dongon.

Ayon kay Pacleb, dakong alas-6:22 ng umaga nang maaresto ang mga suspek sa Purok 5, Poblacion, Tubod, Lanao del Norte sa bisa ng search warrant matapos ang joint operation ng PNP-PRO10,CIDG at PNP-SAF.

Narekober mula sa pag-iingat nila ang matataas na uri ng baril, mga bala, at mga gamit para sa paggawa ng pampasabog.

Si Dongon ay naunang asawa ni Janjalani at nang mapatay siya noong 2006 ay ikinasal naman siya kay Marwan na napatay naman noong 2015 ng PNP sa ginawang operasyon sa Mamasapano Maguindanao.

Nauna nang inugnay si Dongon sa ASG at ngayon naman ay hinihinala ng mga otoridad na siya ay may kaugnayan sa teroristang grupo na Jemaah Islamiyah (JI).

Samantala, dakong alas-5:10 kahapon ng umaga naman nang unang maaresto ang ama ni Dongon na si Romeo Dongon alyas ‘Faisal’ at  Norien Santos na kapatid ng asawa ni Marwan.

Ang mag-ama ay naaresto sa Sitio Tinago,Brgy San Juan Lanao del Norte dahil sa mga kasong paglabag sa illegal possession of firearms and explosives.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek habang ini­hahanda ang mga kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with