7 sakote sa magkakahiwalay na drug-bust
LUCENA CITY, Philippines — Timbog sa mga otoridad ang pitong katao na pawang mga drug personality makaraang magsagawa ng anti-drug operation ang composite team ng Quezon PIB/ DEU at Lucena PNP/DEU sa tatlong barangay kamakalawa.
Base sa ulat na tinanggap ni Quezon PNP Director PS/Supt. Roderick Armamento mula sa chief of police sa lungsod na si P/Supt. Vicente Cabatingan, unang isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-6:15 ng gabi sa purok Sto.Rosario, Brgy. 4 at nakumpiskahan ng 3 plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 marked money at drug paraphernalias sina Rodolfo de Castro, Eric Wong, at Juanito Erella.
Alas-6:30 naman ng gabi nang masakote sina Jobert Obana, Jayson Delica at Raymond Dogola sa purok Barrera, Brgy. 8 at nakumpiskahan ng 10 heat sealed plastic sachet ng shabu, at P500 marked money.
Nagkaroon pa ng habulan hanggang sa masakote sa lumang sementeryo ng purok Little Baguio,Brgy. Ibabang Dupay dakong ala-1:30 ng madaling araw kahapon si Manuel Royo at nakumpiskahan ng 4 plastic sachet ng shabu, isang improvised shot gun, patalim at drug paraphernalia.
- Latest