3 Maute remnants utas sa engkwentro
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumulugta noon din ang tatlong pinaniniwalaang mga remnants ng teroristang Maute group na nakatakas sa Marawi City matapos makaengkwentro ang pinagsanib na elemento ng pulisya at  militar sa Pantar, Lanao del Norte nitong Huwebes.

Ayon kay Army’s 1st Infantry Division (ID) Spokesman Major Ronald Suscano, dakong alas-8:45 ng ­umaga nang magsagawa ng ­operasyon ang tropa ng AFP Joint Task Force ZAMPELAN (Zambonga Peninsula, Lanao del Norte ) at ng Pantar Police sa liblib na bahagi ng Brgy. Lumba Punod sa bayang ito.

Sinabi ni Suscano na nasabat ng mga sundalo ang grupo ni Omar Mustapha Daiser, kabilang sa 100 inmates na pinatakas ng Maute-ISIS terror group sa kasagsagan ng Marawi City siege noong Mayo 23 ng  nakalipas na taon.

Nagresulta sa mainitang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig dahilan upang masawi si Daiser at ng dalawa pa nitong kasamahan na patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan.

Inihayag ni Brig. Gen. William Alunday, Commander ng Joint Task Group (JTG) Lanao del Norte na si Daiser ay isang pugante sa Marawi City Jail at sumapi sa Maute-ISIS na ginawang kontak ng grupo sa kasagsagan ng rebelyon.

Narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang apat na M16 armalite rifles, isang M203 grenade launcher, isang FAL rifle, isang Pietro Beretta 9 MM pistol na may markings PNP, sari-saring mga bala at bandolier.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with