Stude dedo sa banggaan ng motorsiklo at trak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang 18-anyos sa estudyante matapos makipagsalpukan ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na trak sa highway ng Barangay Cansan, Cabagan, Isabela noong Huwebes.

?Sinabi ni PO3 Jefferson Bumanglag na nag-oovertake ang drayber ng Isuzu Elf truck (WKQ 898) na si Robinson Domingo, 38, nang makasalpukan niya sa kabilang linya sa kurbadang bahagi ng kalsada si Emiliano Gannaban, 18.?

Dead-on-the-spot ang estudyante habang tumakas si Domingo subalit kalaunan ay sumuko sa himpilan ng pulisya kasama ang kanyang amo dala ang nakabanggang trak.

Show comments