2 motorsiklo nagsalpukan: Sales agent tigok, 1 malubha

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sumalubong kay kamatayan ang isang 38-anyos na sales agent habang malubha ang isa kasunod ng salpukan ng dalawang motorsiklo sa highway ng Brgy. Barbarit, Magsingal, Ilocos Sur noong Huwebes. 

Sa report, nagnakaw ng linya si Dominador Tadeja, 38, habang nag-oovertake ng isa pang sasakyan kung kaya’t natumbok nito ang kasalubong na motorsiklo ni Ruel Querido, 38, dakong alas 7:00 ng gabi.

?Isinugod ng mga sumaklolo ang mga biktima sa Gabriela Silang General Hospital subalit namatay si Querido makaraan ang dalawang oras.?Parehong nagtamo ng malalang pagkawasak ang dalawang motorsiklo, ayon sa pulisya.

Show comments