Tulak utas sa buy-bust

BULACAN, Philippines — Napatay ang 42-anyos na sinasabing notoryus drug peddler matapos itong kumasa sa inilatag na anti-drug operation ng pulisya sa koordinasyon sa PDEA Region-3 sa Barangay Batia sa bayan ng Bocaue, Bulacan noong Martes ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Edwin Espinosa, stay-in-worker ng Intercity Rice Mill sa Barangay Wakas sa nasabing bayan.

Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Jowen Dela Cruz sa Camp Alejo Santos, isinagawa ang drug operation sa bisinidad ng Northville 5 sa nasabing barangay.

Gayunman, tinangkang lumaban ni Espinosa subalit naunahan siya ng mga operatiba ng pulisya.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang cal.38 revolver, mga bala, 20 plastic sachet na shabu, P500 marked money at motorsiklong gamit sa drug trade.

Show comments