File photo
2 patay, 2 nawawala sa Tacloban landslide
(Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2018 - 10:00am

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay, habang dalawa ang nawawala matapos bumagsak ang perimeter fence kasunod ng landslide sa Tacloban City nitong Sabado ng gabi.

Nakilala ang mga nasawing sina Delia Carson, 60, at Zoe Hernandez, 17, na kinabukasan na nakuha ang mga bangkay.

Sinabi ni city disaster risk reduction and management council (CDRRMC) officer Brando Bernadas na hinahanap pa rin ang ina ni Hernandez at partner niyang nakilala lamang sa pangalang Alex.

Sa kabuuan ay pitong bahay ang nalubog sa lupa sa landslide sa Barangay 43-B Quarry.

“The fence is a narrow pathway that leads to an interior portion of the barangay where there are informal settlers. The affected structures are made of light materials,” wika ni Bernadas.

Pinalikas na ni Mayor Cristina Romualdez ang iba pang mga nakatira sa bundok na bahagi ng lugar.

Nakararanas ng malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas dahil sa northeast monsoon, tail-end ng cold front at intertropical convergence zone simula nitong nakaraang linggo.

Sinuspinde naman ang klase sa lalawigan ng Leyte dahil sa malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan.

Samantala, maswerteng nakaligtas sa landslide sina Melvin at Jonathan Castillo sa Northern Samar.

Nasa 306 na pamilya naman ang lumikas sa Ormoc dahil sa baha.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with