Lolo sumalpok sa barikada, dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Isang 60-anyos na lolo ang nasawi matapos salpukin ng kanyang motorsiklo ang barikada sa harapan ng isang paaralan sa Brgy. Calimaturod, Cordon, Isabela kamakalawa. ?Kinilala ni PO2 Jayson Bagain ang nasawi na si Eddie Millo, ng Brgy. Maria Clara, Diffun, Quirino.? Sinasabing pauwi na at nabigong mapansin ng matanda ang barikada sa harap ng eskwelahan dahil sa pagod matapos na mag-spray sa kanyang sakahan dakong alas-2:00 ng hapon. ?Isinugod ng mga sumaklolo ang lolo sa Quirino Provincial Medical Center Hospital sa Diffun kung saan siya idineklarang patay.

Show comments