Maglolo inihian, sinaksak ng senglot

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-lolo makaraang grinipuhan ay dinilig pa ng ihi ng senglot sa Barangay Macanaya, bayan ng Aparri Cagayan kamakalawa ng gabi.? Sa report ng pulisya, nakaupo sa harapan ng kanilang bahay ang mag­lolong sina Fernando Allag, 51; at Jaycee Gayumani, 21, nang diligan ng ihi ng suspek na si Abbe Flores na sinasabing senglot. Dito na sumiklab ang pagtatalo nina Flores at Allag. Gayumani kung saan tinangka namang awatin ang dalawa subalit nauwi sa pananaksak. Isinugod ang mga biktima sa ospital habang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Show comments