2 dedo, 4 kritikal sa banggaan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  —   Dalawa-katao ang namatay habang apat naman ang malubahang nasugatan sa nagnap na magkahiwalay na sakuna sa lalawigan ng Isabela kamakalawa. Batay sa ulat ng pulisya, namatay si Marcelino Guya na nagmomotorsiklo makaraang masalpok ng kasalubong na motorsiklo sa Barangay Abot sa bayan ng Quezon. Sugatan naman sina Jordan Balagyo, 38; Reymund Monar, 19; at Rico Madamba, 48, mga karpintero at residente ng Barangay Liwan Norte, bayan ng Enrile, Cagayan. Samantala, namatay din si Ferari Wandag, 34, ng Divisoria, Santiago City habang malubha naman si Gener Banggolay, 18, ng Batal, Santiago City matapos mabangga ng SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Batal sa nasabing lungsod. Sumuko naman ang driver ng SUV na si Frederick Remegio, 34, ng Sinamar, San Mateo, Isabela.

Show comments