6-buwang buntis pisak sa trak
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2017 - 4:00pm

LEGAZPI, Albay, Philippines — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang buntis at sanggol sa loob ng kanyang sinapupunan nang mabangga ng truck ang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Brgy.Sisigon sa bayan ng Matnog, Sorsogon noong Lunes ng umaga. Namatay noon din ang anim na buwang buntis na si Janeth Hular, 19, ng Brgy. Cabagahan habang isinugod sa Matnog Medicare Hospital ang driver ng kanyang sinasakyang motorsiklo (CC-11304) na si Anjo Areston, 25 anyos. Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga habang binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng highway nang mag-overtake sa kanila ang Wing van truck (130102) na minamaneho ni Marben Macarayo, 34, ng Brgy. Tologan, Hagonoy, Bulacan. Pinaniniwalaang mali ang kalkulasyon ng driver sa kanyang pag-overtake kaya nabangga ng kanyang truck ang motorsiklo dahilan para tumilapon ang sakay nito sa kalsada na ikinasawi ng buntis na biktima.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with