Karpintero nangotong sa pastor, tiklo
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2017 - 4:00pm

QUEZON , Philippines  —  Inaresto ang 45-anyos na karpintero matapos itong ireklamo ng pananakot at pangongotong sa 30-anyos na pastor sa Barangay Talolong sa bayan ng Lopez, Quezon, kamakalawa ng tanghali. Nahaharap sa kasong grave threat at extortion ang suspek na si Amado Patriarca, may asawa, ng Barangay Sabang Uno. Ayon sa ulat ng pulisya, nagtungo sa bahay ng biktimang si Pastor Rhoderick Almeria ang suspek at nagpakilalang si Ka Ramsey. Dahil sa takot na ituloy ang bantang may masamang mangyayari sa kanya kapag hindi nagbigay ng pera ay nagbigay ang biktima ng halagang P1, 800. Sa pangambang muling bumalik ay nagreklamo na sa pulisya ang biktima kaya nadakip sa follow-up operation ang suspek. Itinanggi naman ng suspek ang nasabing akusasyon.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with