Seaman utas sa nagliyab na multicab

NORTH COTABATO, Philippines — Nasunog nang buhay ang 23-anyos na seaman matapos itong makulong sa nasunog na mu­lticab sa Malaang Bridge sa hangganan ng Barangay Saguing at Barangay Poblacion, bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Evan Jim Palero ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan. Nakaligtas naman ang mga sakay na magpinsang  sina Dan Martin Palero at Daniel Fernandez. Ayon sa pulisya, pauwi ang magpipinsan mula sa Kidapawan City nang mabangga sa tulay at biglang nagliyab ang sinasakyang multicab. Samantala, sina Martin at Daniel na nasugatan at nakaligtas ay isinugod sa pagamutan.

Show comments