2 todas sa road mishap

MANILA, Philippines — Dalawa-katao ang namatay habang isa naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang motorsiklo at traysikel  sa kahabaan ng highway sa Barangay Vista Alegre, Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Joebert Ortiz, 32; at Bernie Gerasmia, 45, mga nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng  mga katawan kung saan idineklarang patay sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital. Patuloy namang ginamot ang sugatang si Fortunato Sayson, 49. Sa ulat ng Bacolod City Police na naisumite sa Camp Crame, kasalukuyang kaangkas sina Ortiz at Gerasmia sa motorsiklo na minamaneho ni Sayson nang makabanggaan ang kasalubong na traysikel. Samantalang sa kamalasan ay nasalpok pa ng paparating na van ang dalawang biktima kaya sumalubong kay kamatayan.

Show comments