Walang puknat na patayan, di masawata

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Umabot na sa pito-katao ang napapatay sa serye ng walang puknat na karahasan sa Tuguegarao City, Cagayan nitong Oktubre na hindi pa nalulutas.? Base sa tala ang pulisya, dalawa ang napatay matapos looban ng Akyat-Bahay Gang  ang mga bahay sa Barangay San Isidro noong Oktubre 1.? Noong Oktubre 10 naman ay niratrat at napatay ng tandem ang anak ng dating huwes at kasama nito sa Barangay District 1 sa nabanggit na lungsod.? Sa pareho ring barangay ay napatay din ang computer technician at sugatan naman ang barangay kagawad habang nakikipag-inuman matapos tambangan ng mga hindi kilalang lalaki noong Linggo.

Show comments